Tuesday, August 4, 2015

JEEPNEY

         Ang Jeepney ay talaga namang katangi tangi sapagkat tanging sa Pilipinas lamang ito makikita.Nagsimula makita ang ito sa ating mga daang bato noong pagkatapos ng World War II. Dahil naiwan ng mga Amerikano ang kanilang mga sasakyang Jeep sa ating bansa, ay naisip ng malikhaing imahinasyon ng ating mga kababayan na pahabain ito upang marami ang makasakay at di nag laon ay ginawa itong pampasaherong sasakyan upang pagkakitaan.Ang salitang Jeepney ay mula sa salitang ingles na Jeepknee, dahil tuwing uupo ka sa loob nito at puno ay magdidikitan ang inyong mga tuhod.

           Ngunit hindi dito iikot ang ating istorya, kundi sa mga karanasan ko tuwing ako ay sasakay ng pampasaherong Jeep na pumapasada 24/7.





Simulan na natin ang Alamat

Noong ako ay bata pa lamang ay tuwing sasakay ako ng jeep ay talaga namang napakakulit ko yung tipong kaya mo pang tumayo sa loob ng dahil nga sa maliit ka pa at piliit mong inaabot ang handle bar habang nakaupo ngunit hindi mo magawa.Napakasipag ko rin mag abot ng mga bayad at sukli dahil tuwang tuwa ako habang ginagawa ko iyon, ang ayaw ko lang ay yung sasabihin sayo ng nakatatandang kasama mo na "kumandong ka sakin may sasakay na" Shemes!!! yun ang ayaw na ayaw ko ngunit may isang advantage ito dahil nga sa nakakandong ka at tumaas ang abot mo ay kaya mo nang mahawakan ang handle bar ngunit sa mga dulo lang ng daliri pero masaya na ko dito.Pero ang pinaka pinapangarap ko noon bago ako sumakay ng jeep ay sana walang nakaupo sa Frontseat para doon kami uupo at feeling ko ako ang driver at tanaw ko ang daan.Minsan naman ay sasabihin ko sa kasama ko na palit kami ng pwesto, doon ako sa may pinto na part na kung iisipin ay napaka delikado pero ni minsan di ko nagawa noong bata ako :D

Ngayong Binata na ako ay marami na ang nagbago. Yung tipong ikaw nalang mag isa ang sasakay sa Jeep at wala kang tatandayan kapag inaantok ka.Yung tipong pinapansin mo ang lahat ng bagay o nangyayari sa paligid mo at pinagmamasdan ang mga walang kabuluhang pinag gagawa ng passenger mate mo. Yung nakakaasar pa dito ay yung mag babayad ka tapos antagal bago may umabot ng bayad mo dahil dakdakan ng dakdakan yung mag bestfriend? na kasakay mo. Si Manong Driver naman minsan KJ "BAYAD PO" Lakas ng pandinig ni kuyang Driver! ''PARA PO" ay sus, nalampasan mo na sampung street light bago Huminto.


Sa kabilang banda, kahit may mga nakaka hassle sumakay ng Jeepney ay hindi hindi ko parin ito aayawan dahil maraming mahahalagang pangyayari sa buhay ko ang naganap mismo sa Sasakyang ito maging Maganda mo o hindi. Kaya kayong  mananakay ng Jeep katulad rin ba tayo ng karanasan tuwing ikaw ay sasakay o ikaw yung may kasamang ''bestfriend'' ? na kung makipag chikahan ay walang nang bukas ? haha peace :)

No comments:

Post a Comment