Saturday, August 1, 2015

Iba't ibang uri ng Tropa!!

Itong aking kwento ay paghahanda para sa mga taong wala pang alam sa mga klase ng taong makikilala nyo hahahaha..Ang kwentong ito ay para rin sa mga taong Forever alone :))
                         

                   

                        Simulan na natin ang alamat !!


1.Boy Buraot- Sila yung mga Taong mahilig manghingi na kung ano meron ka, minsan kapag may pagkain ka pa nga na isusubo mo nalang inagaw pa!! Pero kahit ganyan sila, nararamdaman nila ang mga nagawa mong mabuti sa kanila, kahit ang kapal ng mukha nila hahahahhaa!!  peace yow!! 

2.MVP- Sila naman yung tropa mo na  makikita mo nasa court palagi na halos lahat ng oras doon nakatambay, at may dalawang klase pa yan..
   2.1-Labanos- naglalaro lang sa court kapag  makulimlim o wala nang araw , madalas magpailaw pa!!
   2.2-Pwet ng kaldero- Yan naman yung kahit tirik na tirik ang araw ay panay ang shooting kahit sya lang              mag isa.

3.Anak ng Pera- Sila naman yung sa bawat oras ay panay ang libre at palaging may dala na wallet na kapag nakita mo ang laman ay kakapal ng Pera.Itong tropa na to ang madalas pumusta sa MVP nyang Tropa . 

4.E.Games Addick- Ito ang tao naman ang KJ na tao , dahil sa tuwing mag aaya ang tropa madalas wala dahil kalalaro ng mga games na yan.. Pero ang mas nakakabadtrip dyan yung CoC addick,una sa lahat di ako haters ng laro na yan,pero minsan uuwi pa tropa mo sabay sabing "wait lang pre aatack lang ako Start na Clan war namin " Shemesss!!!! nakaka Beasmode!!

5.Lover Boy-Siya yung tropa mo na panay ang text, tawag sa syota nya, na kung minsan ka text niya na GF niya may kalandian pang iba. Sya ang taong madalas humugot sa usapan ng tropa na kung minsan nagmumukha na syang tanga .. Kapag na Broken sa tropa naman iiyak at mag dadrama . "Mahal ko sya pero bakit ganun?? Ginawa ko lahat para sa kanaya . blah bla bla bla " Kingina mo lo!! hahaha

6.Starter- Sya yung Vanguard ng Tropa , kapag may away Sya ang unang susugod at reresback na ang iba..Madalas pagkatapos ng away sila yung may mga Black eye sa muka na parang tatlong linggo di natulog at nag addick ang itsura.

7.Runner-Sya yung tropa na madalas mautusan, bili dito bili doon. sabihin mo dito sabihin mo kay ano.Pero kapag tapos nya gawin Mission nya minsan nakakakuha sya ng tip kay Tropang anak ng Pera dahil mautak tong mga Runners dahil ang sukli automaticaly KANILA.

8.Joker - Tuwing mag sasama ang barkada lagi syang may baong Jokes na kung minsan ay korni na, at ang mga moves nila parang kenkoy na matatawa ka sa bawat katangahang ginagawa niya.

9.Wikipedia- Tropang alam Alam lahat ng bagay, panay ang kwento ng mga Facts at madalas mang korek ng mga sinasabi ng tropa na mali..Madalas din sila makipag Debate.

10.Horny Boy- madalas manood ng mga X-videos at panay ang bluetooth para daw mamayang gabi..



No comments:

Post a Comment